Wednesday, March 2, 2011

Pag-ibig nga ba?

"Isa lamang itong madaling operasyon, Jig," sabi ng lalaki. " Hindi talaga ito totoong operasyon."
Tumungo ang babae at tumingin sa kanyang paa na nakapatong sa lamesa.
Alam kong wala kang paki, Jig. Wala lang ito. Hahayaan lang natin pumasok ang hangin sa loob." 
Wala nang sinabi ang babae.
Sasama ako sa'yo at Hindi kita iiwan. Hinayaan nilang pumasok ang hangin at natural lang ang lahat ng iyon."
Anung gagawin natin pagkatapos?
"Magiging maayos din ito pagkatapos. Katulad lang ng dati."
"Paao mo naman naisip yon?"
Iyang bagay na yan ang bumabahala satin. Iyang bagay na yan ang nagpapalungkot satin.
Ang babae ay tumingin sa kurtina, inilabas niya ang kanyang kamay at sabay na hinawakan ang dalawang tali.
At sa tingin mo ba magiging maayos at masaya tayo?
Alam kong magagawa natin. Wala kang dapat ikatakot. Marami akong nakilalang nakagawa na nito.
Ako din, sabi ng babae. At pagkatapos ay napakasaya nilang dalawa.
Kung ganun, sabi ng lalaki, kung ayaw mo, hindi mo ito kailangan gawin. Hindi ko rin naman ipagagawa sayo ito kung hindi mo rin naman ito gusto. Ngunit alam kong napakadali nito.
Gusto mo talaga noh?
Sa tingin ko, ito ang pinakamagandang gawin. Ngunit ayaw kong gawin mo ito kung ayaw mo talaga.
Kapag ginawa mo ito magiging masaya ka at ang lahat ay mababalik sa dati at mamahalin mo ako?
Mahal na kita ngayon. Alam mong mahal kita.
Alam ko. Ngunit kung gagawin ko ito, magiging maganda ba ulit kung sinabi ko ang mga bagay ay parang mga puting elepante, magugustohan mo ba ito?"
Magugustuhan ko. Gusto kong gawin ngayon ngunit hindi ko maisip na magagawa ko un. Alam mo kung ano ang nagagawa ko pag nag-alala ako.
Kapag ginawa ko un hindi ka mag-aalala?
Hindi ko aalalahanin un dahil iyon ay napakasimple lamang.
Gagawin ko ito. Dahil wala akong pakialam sa sarili ko.
Kung ganun, may pakialam ako sayo.
Oo nga, Ngunit wala akong pakialam sa sarili ko. At gagawin ko un at magighig maayos ang lahat.
Ayokong gawin mo un kung ganyan ang nararamdaman mo.